Jillian Ward business minded na sa murang edad

5,867

AMINADO ang fifteen-year-old na teenstar na si Jillian Ward na likas na talaga ang pagiging business minded niya kahit sa murang edad.

Sa ngayon ay patuloy sa paglago ang naipundar niyang negosyo, ang Wonder Tea na unti-unting dumarami ang branches. Tinanong sa magandang Kapuso actress kung bakit naisip niyang magnegosyo ng milk tea.

Aniya, “Dahil po halos araw-araw po kaming lumalabas at bumibili ng milk tea noon, kaya naisipan po namin ng family ko na mag-open ng milk tea shop namin. Para rin po may mga iba’t ibang flavors na ma-try yung mga tao. With almost 40 drinks po sa menu, I’m sure na may mga iba silang lasa na nadi-discover dahil sa Wonder Tea.

“Ang specialty po namin is almost lahat po ng cream cheese and cream puff sa menu. Personally po, favorite ko yung Oreo Cream cheese namin. Best seller po is Wintermelon with or without cream cheese and Matcha with cream puff or cheese.”

Dagdag pa ni Jillian, “May two branches na po kami so far, pero mag-o-open na po kami ng isa pa, soon. Sa Pampanga pa lang po kami nakapuwesto. Sa Guagua, Pampanga po right beside PMSH and sa Floridablanca Sports Center. Baka po by September, open of franchise na rin po kami.”

Nagbigay din ng payo si Jillian sa mga tulad niyang kabataan na kahit sa murang edad ay sumasabak na agad sa business.

“Ang maipapayo ko po sa kanila is to not give up. Don’t forget kung bakit po nila sinimulan yung business nila in, the first place. May mga time po talaga na nasa baba, or nasa taas, but no matter what happens, be there to bring joy lang sa mga tao, and always pour your heart in whatever you do,” nakangiting saad pa ni Jillian.

Samantala, ipinahayag din ni Jillian na masaya siya sa kanilang seryeng Prima Donnas na very soon ay muling eere sa Kapuso Network.

“Siyempre po natuwa talaga ako noong una kong nalaman na magiging part po ako ng Prima Donnas and first bida ko rin po ito bilang dalaga. Na-pressure rin po ako, kasi alam ko pong may lalim talaga yung character ko rito.

“Bale, ito po talaga yung pag-blossom ko sa pagiging mas mature na role. Mas may lalim at mas seryoso na po yung ginagawa ko ngayon bilang aktres,” sambit niya.

Bukod kay Jillian, tampok sa naturang top rating TV series ng GMA-7 sina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Althea Ablan, Sofia Pablo, Miggs Cuaderno, at iba pa.

Si Jillian ay nagsimula sa mundo ng showbiz bilang commercial model at child actress. Matapos mapanood sa Wachamakulit ay naging bida na agad siya sa TV series na Trudis Liit ng GMA-7.

Bukod sa pagiging mahusay na child actress, si Jillian ay magaling din na singer at nangangarap na balang araw ay mabigyan ng pagkakataon na maging isang recording artist. (Nonie V. Nicasio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.