Advertisers

Advertisers

TOPS Usapang Sports On Air… DIGITAL SPORTS, ILULUNSAD NG MILO

0 525

Advertisers

SADYANG mahirap ang walang ehersisyo o aktibidad ang mga bata ngayong panahon ng pandemic, at dahil bawal sila lumabas at magsama-sama para man lang makadalo sa mga sports clinic, nakaisip ng paraan ang Milo Philippines na gawing digital ang sports program nila.
Sa pamamagitan ng digital platforms, nakatakdang ipaliwanag ni Lester P. Castillo, Asst. VP ng Nestle Phils. Milo ang paglulunsad kung paano mapalalakas ng mga bata ang kanilang mga katawan at manatiling nag-eehersisyo kahit nasa bahay lamang bilang panauhin sa Tabloids Organization in Philippine Sports TOPS Usapang Sports On Air via zoom online ng 10:00 a.m.
Kasama sina sports partner coach Igor Mella ng Philippine Taekwondo Association at 2019 SEAG gold medalist, 2020 PTA National Online Speed Kicking Champion Pauline Lopez, na siyang magsisilbing MILO ambassador, iaanunsiyo nila ang bagong online sports campaign, MILO Home Court (MHC) na nag-aalok ng iba’t ibang sports program sa mga batang mahilig sa sports, manatiling aktibo habang stay-at-home.
Tampok sa kanilang slides at videos ang overview ng kampanya, detalye ng programa, campaign video launch, kasama ang pivoting sports program online ni coach Mella, video ng interactive training sessions at iba pang programa sa ilalim ng MHC campaign, maging ang partisipasyon ni Lopez sa naturang online platform sports para sa mga bata.
Inaanyayahan ni TOPS President Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng mga opisyal at miyembro ng samahan ng mga mamamahayag ng sports na makipagtalakayan para sav makabuluhang mga ihahatid na balita ganap na alas-10 ng umaga.Danny Simon

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More