Advertisers

Advertisers

15 BIFF, 2 sundalo patay sa bakbakan sa Maguindanao

0 277

Advertisers

NASA 15 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at 2 sundalo ang nasawi sa ikinasang operasyon ng militar nitong July 29,2020 sa may bahagi ng Datu Salibo, Maguindanao.
Ayon kay Philippine Army 6th Infantry Division Commanding General MGen. Diosdado Carreon, nagsasagawa ng security operation ang tropa ng 57th Infantry Battalion nang makasagupa ng mga ito ang hindi mabilang na miyembro ng teroristang BIFF at Dawlah Islamiya-Terror Group (DITG) sa may Barangay Penditen, Datu Salibo.
Umigting ang sagupaan 5:20 ng umaga at natapos 11:30 ng umaga.
Sinabi ni Carreon, 13 sundalo ang nasugatan sa sagupaan na agad dinala sa Camp Siongco Station Hospital.
Iniulat din ng militar na walong miyembro ng BIFF at DITG ang sugatan kabilang si Hassan Indal, ang lider ng teroristang grupo
Nagpa-abot naman ng pakikiramay si Carreon sa mga kamag-anak ng dalawang nasawing sundalo.(Mark Obleada)