2018 Pension Increase Differential of MUP

7,129

Sa liham ni DBM Sec. Wendel Avisado kay DND Sec. Delfin Lorenzana nitong August 25, 2020 ay nakasaad ang kasagutan ni DBM Sec. Avisado kay DND Sec. Lorenzana tungkol sa apela ng huli sa 2018 Pension Increase Differential ng MUP Retirees.

Ang DOJ Legal Opinion na ito ay nagbukas ng karapatan hindi lamang sa mga AFP kung hindi ang buong Uniform Personnel na kinabibilangan ng PNP, BFP, BJMP, Coast Guard Retirees/Pensioners. Sa naturang liham ng DBM Secretary ay nagsasaad na ang DBM na ang pondo para sa AFP Retirees/Pensioners ay ipinasa na sa 2021 GAA National Budget sa Congress o House of Representatives. Sana ay makagawa rin ng liham ang DILG Secretary at PNP Chief sa DBM Secretary para sa Pondo ng 2018 Pension Increase Differential para sa mga Retirado/Pensioners ng PNP, BFP, BJMP, at Coast Guard. Upang maisama na sabay-sabay ang buong pondo para sa MUP Retirees/Pensioners ng 2018 Pension Increase Differential.

Madami na ang may mga malubhang sakit at ang iba ay namatay na mga MUP Retirees/Pensioners kaya dapat matiyak ito na maipagkakaloob sa 2021 GAA National Budget at huwag naman sana matapyas ito at hindi maisama. Asang-asa po ang mga matatandang sakitin, isama pa ang mga asawa at anak na naulila ng yumaong pensioner na di natamo ang Pension Differential na ito.

Sa ngayon ay nag-umpisa na ang deliberation sa GAA National Budget, sumalang na si DILG Sec. Eduardo Año at PNP Chief General Camilo Cascolan sa deliberation, mahaba-habang talakayan, ang ating inaabangan ay ang Pondo sa 2018 PID. Inaabangan din natin mismo si DBM Sec. Avisado sa deliberation at marinig sa kanya sa Congressional budget hearing ang 2018 Pension Increase Differential ng MUP Retirees/Pensioners na kanyang nabanggit sa kanyang liham kay DND Sec. Lorenzana. Kaya mga fellow Retirees/Pensioners more prayers tayo sa Panginoon na matamo na natin ang nakabitin na 2018 Pension Increase Differential natin sa 2021 GAA National Budget.

Sa panig ng PNP Retirees/Pensioners naalala ko pala gumawa na ng liham si butihing dating PNP Chief General Edgar Aglipay sa Congress na isama tayong mga PNP Retirees/Pensioners sa pondo ng 2018 Pension Increase Differential.

PSALM 91: 3
He will keep you safe from all hidden dangers and from all deadly diseases.

Leave A Reply

Your email address will not be published.