Advertisers
Arestado ang 35-anyos na lalaki na ama ng drug group leader sa lungsod ng Cebu at tatlong iba pa sa isinagawang buybust operation sa Lipata, Barangay Linao, Minglanilla, Cebu.
Kinilala ang naaresto na si Alfonso Morentes Diaz Jr., itinuturing na ama ng drug group leader; Danilo Abellar Bornales, Reyna Dayondon, at Reymond Dayondon parehong residente ng Spolarium St., Brgy. Duljo Fatima sa lungsod.
Nakuha mula sa kanilang posisyon ang mga pakete ng shabu na tumimbang sa 5.12 gramos at tinatayang nagkakahalaga ng P34,816.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(PFT team)