Advertisers

Advertisers

2 miembro ng KFRG tigok sa buy-bust

0 284

Advertisers

TIGOK ang 2 miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFRG) nang “manlaban” sa mga elememto ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) sa buy bust operation sa Pililia, Rizal nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Jake Pingal Anden habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.
Sa report, miyembro ng Dela Cruz KFRG ang mga napatay. Ang grupo ay pinamumunuan ni Ryan Dela Cruz.
Sangkot din ang grupo sa serye ng gun for hire, robbery/hold-up, carnapping, motor-napping at kidnapping sa Rizal Province.
Ayon sa ulat, 3:15 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng PNP- AKG Luzon Field Unit sa Sitio Kawayan Farm, Barangay Halayhayin, Pililia.
(Mark Obleada)