Advertisers

Advertisers

36 Tripulanteng Pinoy missing pa rin sa lumubog na barko sa Japan

0 314

Advertisers

Nawawala pa rin ang 36 tripulanteng Filipino na lulan nang lumubog na M/V Gulf Livestock 1 sa Japan.
Umapela sa Kamara ang isa sa mga asawa ng nawawala pang seafarer nang halos dalawang buwan nang ito’y lumubog sa karagatan ng Japan.
“I would like to appeal to this body to please help us, maawa kayo sa amin, hinihingi lang po namin sa may-ari sa pamamagitan po ng ating gobyerno na tulungan kami na magkaroon ng search and rescue,” ani Mary Joy Fortun.
Aniya, nagpapasalamat siya sa ginagawa ng Pilipinas at pamahalaan ng Japan ngunit giit nito na hindi ito sapat.
Dagdag pa nito na itinigil ng operator ng lumubog na barko ang sahod ng asawa niya.
“As of the moment, the Japanese Coast Guard has not found any significant clue but continues the search for the missing crew…” ayon naman kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola.
Saad pa nito na umapela na si Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa gobyerno ng Japan na ipagpatuloy ang search and rescue operations.
Lahad naman ni Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Cacdac na nakatanggap na ang bawat pamilya ng nawawala pang seafarer ng P200,000 pinansyal na tulong, livelihood package, at scholarship sa isa sa mga dependent nito hanggang kolehiyo.
Habang nakatanggap naman ng death and burial assistance ang mga namatayan maliban sa pangkabuhayang ibinigay at scholarship.
Nakatanggap naman ng P100,000 ang mga nakaligtas pati na psychosocial counselling at stress debriefing, kasama ang scholarship sa isang dependent nito.
Samantala, naghain naman ng resolusyon ang Marino Party-list Rep. Macnell Lusotan upang bumuo ng task force mula sa DFA, OWWA, Philippine Coast Guard, at iba pang ahensya ng gobyerno upang magsagawa ng search and rescue operations para sa mga hindi pa nakikitang tripulante.(PFT team)