Advertisers
UMAKYAT na sa 378,933 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases ang naitala sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 2,001 na bagong kaso ng COVID-19.
Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Batangas na may 124 new cases, Cavite na may 121 new cases, Quezon City na may 105 new cases, Rizal na may 89 new cases at Bulacan na may 81 new cases.
May naitala namang 636 na bagong gumaling sa COVID-19 ang DOH.
Dahil rito, umabot na sa 330 457 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa virus.
May 38 naman na bagong nasawi dahil sa virus.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,185 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)