Advertisers

Advertisers

Ate Vi, apo ang hininging b-day gift kina Luis at Jessy; Megan kinabog sina Pia at Catriona kay Rabiya

0 215

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAGDIWANG  ng kaarawan  ang  Star For All Seasons na si Congw. Vilma Santos  last Nov. 3  at dahil  nandiyan pa rin ang Covid-19 pandemic ay dito lang  muna  silang  pamilya  nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

“Very  soon”  ang naging sagot ni Ate Vi nang matanong ng mga kasamahan  sa entertainment press kung magwi-wish  ba siya na magkaroon  na ng apo, lalo na ngayong nasa gitna tayo ng pandemic.



Sabi  ni  Ate Vi  sa  isang  Youtube  live show na apo na lang talaga ang  kanyang  wini-wish ngayon.

“Siguro  kung mayroon man akong  hinihiling, apo. Baka  ano, baka  very soon. Yehey!” ang maligayang  say ni Ate Vi.

Sa  pagsagot ni Ate Vi na magkakaroon na siya ng apo ay nangangahulugan na raw ba na magpapakasal na si Luis Manzano sa girlfriend nito na si Jessy Mendiola?

“Palagay  ko karapatan  ko  lang sabihin na very soon,” say pa ni Ate Vi.

Bukod  sa  pagkakaroon  ng apo ay wala nang ibang detalye  na ibinigay  si  Ate Vi  at ang sabi niya, “tama  na, okey  na ako don, basta very soon.”



Dahil sa naging pahayag ni Ate Vi, nangangahulugan na raw ba kasado na ang kasal nina Luis at Jessy? At ang malaking tanong pa sa ngayon  ay  kung  buntis  na  kaya  si  Jessy?

“Anyway,  basta  kasama  ko  lang pamilya  ko, masaya  na  ako, okey  na  yun,” aniya.

When  asked  kung  ano  ang  inaasahan niyang  regalo  sa kanyang anak na si Luis at future daughter-n-law  na si Jessy, consistent ang sagot ni Ate Vi,

“Apo,”  mabilis  niyang  sagot. “Wala  na kasi kaming baby,” dagdag  pa ni  Ate Vi.

***

AYON kay 2020 Miss Universe Philippines winner Rabiya  Mateo, sakaling  isasapelikula  raw ang kanyang buhay  ay si Megan Young ang kanyang  napipisil  na gumanap.

“People  would  say  that  they  can  see the  resemblance  with me,  you know  that I  look  like  her, but  Megan Young  is my ‘queenspiration,’  pahayag ni Rabiya  sa   interview.

Reaction tuloy ng mga netizen na kinabog  ni Megan sina Catriona Gray  at  Pia Wurtzbach  pagdating kay Rabiya.

Sabi  pa ni Rabiya, labis lang  daw talaga  niya  hinahangaan si Megan.

“I  really  love  her,  how she communicates  with  other people,” aniya.

Bukod  pa  sa paghanga  kay  Megan, ipinagtapat  din  ni  Rabiya na  pangarap  pala  niya  ay  maging  Miss World  kaysa sa  Miss Universe. As we all  know that  Megan was  crowned  Miss World 2013.

“I`ve  always  dream  of  being  a Miss World instead of Miss Universe. That was  the  goal. But sometimes, God won`t  put you  in  a position  of  your  dreams. Sometimes  He would  lead  you to somewhere   better  and  now, I`m  with the Universe and I hope that it will  come true,” say ni Rabiya.