Advertisers

Advertisers

2 bigtime na tulak ng shabu huli sa buy bust sa Pampanga; higit P4.7m shabu nasamsam

0 223

Advertisers

NADAKIP ng mga otoridad ang dalawang high value individual sa drug buy bust operation sa kahabaan ng Pampang Road, Barangay Pampang, Angeles City, Pampanga, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang nadakip na si Nihaya Salomabao, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon kay Intelligence Unit officer Police LtCol Karen Clark, kasama nila sa operasyon ang Police Station 2 Drug Enforcement Team, City Mobile Force Company at Angeles City Police Drug Enforcement Unit.
Nakuha mula kay Salomabao ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.
Naarestado rin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit at ng Police Station 4 ng Angeles City PNP ang notoryus sa pagbebenta ng illegal drugs na kinilalang si Jayson Crisostomo, nasa hustong gulang at residente ng Navotas City.
Nadakip si Crisostomo sa kahabaan ng Mc Arthur Highway, Brgy. Balibago ,Angeles City. Nakuha sa kanya ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Lahat-lahat ay mahigit sa P4.7 million ang nasamsam ng mga otoridad sa naturang mga tulak.
Kahaharapin ng mga suspek ang kasong pagalabag sa Section 5 and 11 ng RA 9165. (Thony D. Arcenal)