Advertisers
UMAKYAT na sa 479,693 ang kabuuang kaso ng covid-19 matapos makapagtala ng karagdagang 937 na bagong kaso ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Enero 5.
Mayroon namang naitalang 114 gumaling at 58 namatay sa sakit.
Sa mga naitalang kaso sa bansa, 21,997 ang aktibong mga kaso habang 448,375 na ang gumaling at 9,321 naman ang mga pumanaw.
Kabilang pa rin ang Davao Cty sa mga probinsya at siyudad na may naitalang mataas na bilang ng kaso ngayong araw na may 85.
Nasa 54 kaso naman ang naitala sa Isabela, 49 sa Agusan del Sur, 48 sa Pampanga at 43 sa Misamis Occidental.
Inulit ng DOH na ang pagbaba ng bilang ng kaso ngayong araw ay bunsod ng mga pagbaba ng mga pasyente na nagtutungo sa mga Covid-19 laboratories.
Patuloy namang tinitignan ng DOH ang lawak ng epekto ng holiday season sa covid-19 transmission. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)