Advertisers

Advertisers

Ivana naimbiyerna sa kayabangan ni DJ Loonyo

0 267

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TRENDING sa twitter ang #Boycott DJ Loonyo.



Naimbudo kasi ang mga followers ng dancer-choreographer dahil umano sa attitude problem nito.

Dagdag pa, in-unfollow din si Loonyo ni Ivana Alawi sa kanyang twitter account.

Bagama’t walang ibinigay na dahilan ang sexy actress at Youtuber kung bakit niya in-unfollow si DJ Loonyo, nakuha ng followers niya na ‘turn off’ sa kayabangan ng dancer.

Kasunod nito, nag-iwan ng makahulugang mensahe ang sexy actress at Youtuber na kinatigan ng netizens.

“I will always remain humble because I know I could have less. I will always be grateful because I know I’ve had less. A Beautiful 2021 for all of us. Love you guys!” ani Ivana.



Naaakusahan kasi ng pagiging ingrato si Loonyo dahil sa sinabi umano nito na wala siyang dapat ipagpasalamat sa mga faney  nito na pinagmulan umano ng pagka-turn off sa kanya ng disillusioned Loovana followers.

Agad naman itong idinenay ni DJ sa kanyang viral tweet pero tila huli na ang lahat dahil convinced ang karamihan na galing mismo ang pahayag sa dancer.

“Ever at walang chance na lalabas sa bibig, utak at puso ko ang mga katagang ito. Be careful. Bashers are manipulating other people to hate and spread false accusations. There’s more into light than this. Cruel world… light will prevail,”ayon kay DJ.