Advertisers

Advertisers

Kahit conservative… Daniel napa-‘wow’ sa swimsuit na suot ni Kathryn; Janella walang kasalan kay Markus kahit may anak na

0 348

Advertisers

Ni JOVI LLOZA
HINDI nagpaawat si Kathryn Bernardo sa suot nitong sexy swimsuit sa bakasyon nila ng nobyong si Daniel Padilla sa Boracay.
Kung ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion ay may sexy post sa swimming pool.
Hindi naman nagpakabog ang gf ni Daniel Padilla na kuha sa Bora.
Sa nasabing isla nagpalipas ng holiday season ang KathNiel.
 Sa post na pics ni Kath sa kanyang socmed ay maraming netizens ang naseksihan sa suot nitong swimsuit.
Lumabas naman ang kaseksihan ni Kath lalo na sa suot nitong black swimsuit.
May kuha rin ang KathNiel na magkasama sa beach na kita sa picture ang sweet na sweet na couple.
Ayon sa netizens, buti raw nakalusot si Kathryn sa ganun ka-sexy na outfit at kilala naman daw na conservative ang kanyang bf.
Sitsit ng chika belle ay kahit nga raw ipinagbabawal ni DJ  ay napa-wow naman ito sa kariktan at kaseksihan ni Kath.
Sa panahon nga raw nun ay hindi umubra ang pagiging mahigpit ni Daniel sa gf sa naging kasuotan nito nung nasa Bora sila.
Tunay na nag-enjoy ang couple pero kailangan na agad bumalik ng Manila kaya aminado ang KathNiel na nabitin sila sa kanilang holiday season vacay sa Bora.
***
HINDI raw pinaplano ng newly-parents na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang pagpapakasal sa kabila na may anak na sila, si Baby Jude.
Parehong katuwiran nina Janella at Markus ay hindi raw naman sila nagmamadali.
Mas pokus daw muna si Janella sa pagpapalaki kay Baby Jude.
Gusto ni Janella na mapalaki muna ang kanilang unang anak ni Markus.
Sa ngayon ay hindi pa nila priority ang pag-iisang dibdib na puwede naman dahil may anak na sila.
Pero buo ang desisyon ng magdyowa na wala munang kasalan magaganap.
Thankful naman si Janella sa inang si Jenine Desiderio na katulong nito sa pag-aaruga kay Baby Jude.
Sa ngayon ay ini-enjoy ni Janella ang pagiging first time mom sa anak.
Isa lang naman ang siniguro ni Janella, sa Pilipinas bibinyagan ang kanilang anak.
Sina Erich Gonzales, Liza Soberano at Maja Salvador ang siguradong nasa listahan na magiging ninang ni Baby Jude.
Natuwa naman si Janella sa kaibigang si Liza dahil nag-organize ito ng baby shower kay Jude.
Well, well, well..’Yun na!