Advertisers
Sinasabing mapayapa umano ang pagdiriwang at paggunita ng Kapistahan ng Itim na Nazareno ngayong taon kahit pa dinagsa ito ng libo-libong deboto.
“Sa ngayon peaceful naman, very cooperative ‘yung mga deboto matiyagang naghihintay, pumipila,” lahad ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene.
Nakatakda ang 15 misa kung saan 400 indibidwal lamang ang papayagan sa loob ng Quiapo Church.
“Ang misa hangggang 10:00 ng gabi, ‘yun ang huling misa,” lahad ni Badong.
“Pinagtutuunan ng mga kapulisan at mga Hijos na maging mas maayos pa hanggang sa mga susunod na oras na baka mas dumami pa po ‘yung tao.”
“May pumupunta na lay minister para bigyan sila ng komunyon at basbasan ng Holy Water ‘yung religious articles nila,” saad pa nito.
“Sa lahat ng simbahan sa buong Pilipias nagdiriwang ngayon ng novena ng kapistahan ng Nazareno. Naka Facebook live naman po ang misa.”
Nagpaalala naman si Badong kaugnay sa new normal ng panata.
“Basta may pananampalataya, kahit sa screen titigan mo ang Nazareno maipagkakaloob ‘yung biyaya po. Physically present ka man o nasa virtual o nasa labas ka lang, alam ng Nazareno ‘yung nilalaman ng puso natin kung bakit tayo nagsasakripisyo dito,” punto nito.
“Sa mga lider natin kasi sa kanila nakasalalay ‘yung kalagayan natin.”(Jocelyn Domenden)