Advertisers
SINIBAK na sa serbisyo ang pulis na namaril ng mag-ina sa Tarlac na si Staff Sgt. Jonel Nuezca ng Parañaque Police.
Ito ang iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Debold Sinas, nang aprubahan ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na dismissal kay Nuezca dahil sa grave misconduct na isang administratibong kaso.
Ayon kay Sinas, epektibo ang dismissal ni Nuezca nitong araw ng Lunes, January 11, 2021.
Sa pag-iimbestiga ng PNP-IAS, napatunayang guilty sa 2 counts of murder ang pulis.
Matatandaan na noong December 20, 2020 nang barilin ni Nuezca sina Sonya at Frank Gregorio sa mismong bahay ng mag-ina matapos ang pagtatalo dahil sa “boga” at “right of way”. (Mark Obleada)