Advertisers

Advertisers

DOH: Report sa social media na may UK variant ng covid-19 sa Pinas ‘fake news’

0 206

Advertisers

FAKE news, ayon sa Department of Health (DOH) ang ulat sa social media na nakapasok na sa Pilipinas ang UK variant o anumang bagong variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa kanilang press release, nilinaw ng DOH na wala pa silang natutukoy na bagong variant ng SARS-COV-2, ang virus na nagdudulotng COVID-19, sa bansa.
Tiniyak rin nitong masusing nagtutulungan ang DOH at Philippine Genome Center (PGC) upang paigtingin ang kanilang isinasagawang biosurveillance efforts.
“The Department of Health and the Philippine Genome Center (PGC), to date, have not detected any UK variant, or any new variant of SARS-COV-2 in any of the positive samples tested,” pahayag ng DOH. “The DOH and PGC are closely working together in order to intensify on-going biosurveillance efforts.”
Umapela rin ang DOH sa publiko na itigil ang pagpapakalat ng mali at hindi beripikadong mga impormasyon dahil lumilikha lamang ito ng panik at kalituhan sa mga mamamayan.
Matatandaang nagpatupad na ng travel ban ang Pilipinas sa United Kingdom at ilan pang bansa na nakapagtala na ng bagong UK variant ng COVID-19, sa pagsusumikap na maantala ang pagpasok ng virus sa bansa.
Ang virus mula sa UK na kilala sa tawag na B117, ay sinasabing mas nakakahawa kumpara sa orihinal na variant nito. (Andi Garcia)