Advertisers
PINASUSUKO na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang siyam na pulis na sangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu shooting.
Ito ay kasunod ng pagpapalaya sa kanila ng Philippine National Police (PNP) dahil wala na sila sa ilalim ng hurisdiksyon ng pambansang pulisya at dahil sa kawalan ng arrest warrants.
Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya rito ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Guevarra, mas makabubuti kung boluntaryong sumuko na lamang ang mga naturang pulis kaysa sa tuntunin o tugisin pa sila ng mga otoridad.
Kinumpirma ni Guevarra na inatasan na niya ang mga prosecutor na maghain ng urgent motion sa Sulu Regional Trial Court para sa paglalabas ng hold departure order o HDO laban sa mga akusado.
Nauna nang sinabi ng DOJ na naihain na ang criminal information laban sa mga pulis noong Jan. 4, 2021.
Dahil naka-lockdown ang Sulu bunga ng COVID-19, hindi pa nakakapagpalabas ng arrest warrants ang korte. (Andi Garcia)