Advertisers

Advertisers

Covid update: 5,868 gumaling; 11 nasawi; 1,895 bagong kaso

0 205

Advertisers

SUMAMPA na sa mahigit kalahating milyon ang kaso ng Covid-19 sa bansa base sa tala ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, Enero 17.
Sa case bulletin no. 309 ng DOH, pumalo na sa 500,577 ang tinatamaan ng naturang sakit mula nang magsimulang tumama ang sakit sa bansa kung saan ay may nadagdag na 1,895.
Sa pamamagitan naman ng Oplan recovery, nakapagtala naman ng 5,868 na recoveries dahilan para maging 465,991 na ang mga gumagaling sa sakit.
Sa ngayon, ang aktibong kaso ay umabot na lamang sa 24,691.
Mayroon namang 11 na nadagdag sa mga pumanaw kaya umabot na ang kabuuang bilang sa 9,895.
Nanguna ngayong araw ang Davao City sa may naitalang mataas na kaso ng Covid-19 na mayroong 107.
Sinundan ito ng Quezon City na mayroong 106, may 65 sa Isabela, 63 sa Pampanga at 62 sa Bulacan. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)