Advertisers

Advertisers

Palasyo: COVID-19 vaccine ng Sinovac P650 kada turok

0 386

Advertisers

BINIGYAN-DIIN ng Malakanyang na fake news ang kumakalat na ulat na P3,600 per dose ang singil ng China sa kanilang COVID-19 vaccine na Sinovac.
Aminado si Presidential spokesperson Harry Roque na malaki ang gagastusin ng gobyerno sa pagbili ng kada dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese company na Sinovac.
Pahayag ito ni Roque sa gitna ng mga samu’t-saring opinion kung bakit nagpupumilit ang pamahalaan na bilhin ang Chinese-made vaccine, sa kabila ng mas murang presyo ng kada dose ng mga bakunang gawa sa Europe at Amerika.
“Fake news ‘yung kumakalat na P3,600 per dose daw ang singil ng China. Ang ating presyo, bagamat hindi pa puwedeng i-anunsiyo talaga kung ano talaga ang presyo ng Sinovac ay hindi lalayo sa presyo ng Indonesia na bandang P650 kada turok,” ani Roque.
Kamakailan nang ilabas ng tanggapan ni Sen. Sonny Angara ang listahan ng umano’y presyo ng dalawang dose ng mga nangungunang COVID-19 vaccines.
Base sa listahan, pangalawa ang Sinovac sa may pinakamahal na presyo na umaabot ng P3,629.50. Ang bakunang gawa naman ng Novavax ang pinakamura sa P366.
Habang ang coronavirus vaccine ng AstraZeneca na binili ng halos lahat ng local govenrment unit at private sector ay nasa P610 ang presyo ng dalawang dose. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)