Advertisers

Advertisers

VP Leni umalma sa pahayag ni Duterte kontra sa kababaihan

0 272

Advertisers

KONTRA si Bise Presidente Leni Robredo sa panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tila kontra sa mga kababaihan.
Ito ay matapos sabihin ng pangulo na hindi pambabae ang trabaho ng isang presidente kasabay ng pagtangging tatakbo sa 2022 presidential election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Pahayag ni VP Leni, hindi nakatutulong bagkus ay nakapagpapababa pa sa isinusulong na gender equality o pagkakapantay-pantay ang mga katulad na pahayag lalu kung manggagaling sa isang pangulo.
Giit pa ni VP Leni, dapat manatiling mataas ang respeto sa kababaihan lalu na’t may mahalagang papel ang mga ito sa usapin ng pamumuno o pamamahala sa bansa.
Dagdag pa ni VP Leni, hindi lamang aniya ito tungkol kay Mayor Sara, sa kanya o sa iba pang mga kilalang babaeng lider sa Pilipinas kundi para sa lahat ng babaeng Pilipino na maaaring maaapektuhan ng mababang pagtingin ng pangulo.
Banat pa ni VP Leni, hindi siya sang-ayon sa opinyon ni Pangulong Duterte lalo na’t makikitang mas naging mahusay ang pagtugon ng mga bansang pinamumunuan ng mga kababaihan sa pandemya. (Josephine Patricio)