Advertisers

Advertisers

Presyo ng bibilhing bakuna malalaman ng publiko – Palasyo

0 204

Advertisers

SINIGURO ng Mala-kanyang na isasapubliko ang halaga ng bibilhing bakuna laban sa COVID 19.
Subalit, ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, sa ngayon ay hindi pa ito maaring gawin dahil nagpapatuloy pa ang mga negosasyon.
Sinabi pa ni Roque, may desisyon ang Korte Suprema na may tamang panahon para sa karapatan na nakasaad sa Saligang Batas.
Katuwiran pa nito, napakaselan ng isyu kaya’t hindi muna maaring isapubliko.
Tiniyak naman ni Roque na sa sandaling matapos ang negosasyon ay malalaman din ng sambayanan ang mga kasagutan.
(Vanz Fernandez/Josephine Patricio)