Advertisers

Advertisers

P4.2M ‘damo’ iniwan ng rider sa checkpoint

0 249

Advertisers

Hinahanap ang isang motorcycle rider na tumalon sa bangin nang umiwas sa checkpoint sa Barangay Lucog sa Tabuk City sa Kalinga Biyernes ng gabi.
Nagsasagawa ng mobile patrol ang pulisya sa lugar nang biglang may paparating na motorsiklo. Pero imbes na bagalan nito ang takbo, humarurot ito dahilan para tumilapon ang drayber nito sa daan.
Nang rerespondehan na sana siya ng pulisya, kaagad itong tumayo at nagmamadaling tumalon sa malapit na bangin.
Naiwan sa kalsada ang motorsiklo at isang kahon na naglalaman ng 33 bloke ng hinihinalang marijuana. May bigat itong 33 kilo at tinatayang nasa P4.257 milyon ang halaga.