Advertisers

Advertisers

Ai Ai diniin, sariling pera ng mister ang pinambili ng luxury car

0 256

Advertisers

Ni JULIET PACOT

HINDI umasa sa pera ni Ai Ai delas Alas ang asawa nitong si Gerald Sibayan kaya nabili nito ang pangarap na sasakyan.

Todo ang pagbida ng aktres sa mister matapos ipangalandakan sa social media na nakuha nito ang luxury car na isa sa dream nito habang nagsasama silang mag-asawa.



Proud misis si Ai Ai sa asawang si Gerald dahil nakabili ito ng mercedes benz mula sa sariling bulsa.

Buong pagmamalaking ikinuwento ni Ai Ai sa kanyang Instagram noong Sabado, Feb. 20  kung paano nagpursige si Gerald para mabili ang kanyang dream car sa tulong ng New Thought philosophy na Law of Attraction.

“Flex ko lang ang asawa kong masipag at determinado sa buhay… nakatutuwa ‘tong tao na ‘to pag sinabi n’ya mangyayari talaga,  nagugulat na lang ako..”

Kasunod niyang pinasalamatan ang may-ari ng isang dimsum company sa kanilang online franchise business concept.

Ito kasi ang pinagkaabalahan ni Gerald habang nasa community quarantine ang bansa noong 2019.

“At higit sa lahat sa ating Panginoong DIYOS na laging nakagabay sa aming mag-asawa at sa mga blessing n’ya sa amin.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">