Advertisers

Advertisers

Huli sa akto!: Pulis binaril ang kabit ni misis

0 373

Advertisers

LEGAZPI CITY –– Sugatan ang 26-anyos na lalaki nang barilin ng isang pulis sa bayan ng Bato, Camarines Sur, Martes ng gabi.
Ayon kay Staff Sergeant James Iglopas, imbestigador ng Bato Police, nahuli ng 33-anyos na pulis ang kanyang misis na kasiping ang biktima sa kanilang tahanan sa Barangay Santiago 11:35 ng gabi.
Pinigilan ng pulis ang lalaki na tumakas at binunot ang kanyang baril na 9-mm pistol.
Habang nag-aagawan sa baril ang pulis at ang lalaki, pumutok ito at tinamaan ang lalaki sa kanang hita.
Ang lalaki ay dinala sa ospital sa bayan ng Nabua. Ang pulis nama ay sumuko sa police station.
Ang pulis ay miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police na nakatalata sa Samar.
Sinabi ni Iglopas na ang mag-asawa ay hindi na nagsasama bago mangyari ang insidente.
“The suspect, who was on vacation, went home that night to visit his wife and children,” sabi ni Iglopas.