Advertisers

Advertisers

Lovi nanghinayang sa naudlot na tambalan sa Kapamilya actor

0 243

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ANO kaya ang drama nina Derek Ramsay at Ellen Adarna na nadadalas ang pagkikita at pagsasama sa mga lakaran diyan.

May post kasi na magkasama na naman ang dalawa na nagdi-dinner na pinost pa sa kanilang socmed.



At may mga post pa nga na sabay at magkasama sila sa isang gym.

Makikita naman sa kanilang mga posted pic na sabay silang nagba-boxing.

May mga larawan din na magkasabay din silang nagdya-jumping rope.

Kaya tanong naman ng netizens kung sila na nga ba talaga kasi nga raw nadadalaw ang kanilang pagkikita at pagsasama.

May sitsit din na tila nag-ask pa raw si Derek sa mga kaibigan nito kung ok na maging dyowa si Ellen.

Kundi naman sila magdyowa eh baka pinasasakay lang ng dalawa ang netizens.



Gumigimik lang ba ang dalawa? Eh puwede naman umamin kung sila na nga at walang problema dun kaysa paglaruan nila ang netizens.

***

BAGO pa man simulan ang rom-com na Owe My Love na pinagbibidahan ni Lovi Poe ay may napupusuan na silang Kapamilya actor na makakasama sana sa romcom.

Nung isang taon pa kasi nai-tape ang nasabing romcom project at timing na hindi nabigyan ng franchise noon ang Kapamilya network.

Kaya naman inasahan ng buong cast na makakasama nila ang Kapamilya actor.

Kahit nga si Lovi eh expected na makakapareha nito ang Kapamilya actor sa kanilang romcom.

Pero okey lang kay Lovi na kahit may panghihinayang eh isang mahusay na aktor din ng Kapuso ang nakasama sa romcom na si Benjamin.

Hindi na nga nalaman kung bakit hindi natuloy si Kapamilya actor sa kanyang paglipat. Well, well, well…’Yun na!