Advertisers

Advertisers

2022 elections mananatiling automated – Comelec

0 186

Advertisers

MANANATILI parin automated ang 2022 presidential at local elections sa kabila ng mga hiling na gawin itong hybrid.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, hindi nila mapagbibigyan ang malaking pagbabago sa sistema, lalo’t magiging abala na sila sa ibang paghahanda ngayong taon.
Ang paraan ng halalan, bilangan at canvassing aniya ay kailangan pang pag-aralan, dahil baka mas malaking problema ang idulot kung hindi dadaan sa konsultasyon.
Kasalukuyang nakatutok ang poll body sa voters registration kung saan milyon-milyon pa ang hindi nagpapatala o nag-a-activate ng voters data.