Advertisers

Advertisers

Duque naging vaccinator, ‘di nagpabakuna

0 432

Advertisers

HINDI nagpaturok ng Sinovac vaccine si Health Secretary Francisco Duque III at sa halip ay nanguna na lamang sa pangangasiwa sa pag-iinspeksyon sa unang recipient ng naturang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Lung Center of the Philippines kahapon ng umaga.
Matatandaang si Duque sana ang unang magpapaturok ng bakuna ngunit hindi ito natuloy at sa halip ay inuna na munang bakunahan ang mga nakalinyang mga doctor at staff ng ospital.
Kabilang sa mga tinutukan ng bakuna ni Duque si Dra. Aileen Aniceto, pulmologist at head ng LCP emergency room at 19 pang ibang health workers ng naturang pagamutan.
Muli rin namang hinikayat ng kalihim ang publiko na magpabakuna na at huwag nang hintayin ang pagdating ng ibang brand ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Duque, sa buong mundo ginagamit ang Sinovac vaccine kung saan may 2.5 milyong doses na ang naiturok sa iba’t ibang bansa.
Sinabi pa niya na aabot lamang sa .0005% ang risk o panganib na maaaring idulot ng bakuna habang kung hindi magpapabakuna ay napakataas ng risk na magkaroon ng COVID-19.
“Napakababa ang risk sa bakuna pero ang benepisyo napakataas. Pero kabaligtaran ito sa ating risk of contracting COVID-19 not alone serious COVID cases. Napakataas ng risk na maaaring mamatay lalo na ang mga senior citizens na may comorbodities. Ito na po ang susi ng panunumbalik ng dati nating normal na pamumuhay,” paliwanag pa ng kalihim.
Tiniyak din niya na may indemnification fund ang gobyerno sa mga magpapabakuna na magkakaroon ng seryosong epekto.
Sinabi niya na sasagutin ng pamahalaan sa pamamagitan ng PhilHealth ang pagpapaospital ng pasyente at iba pang gastusin. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)