Alex Eala sasabak sa $25,000 tournament

39

MULING sasabak ang dalagitang si Alex Eala sa $25,000 tournament sa ITF Rafa Nadal Academy ng Movistar World Tennis Tour sa Manacor, Spain ngayong Miyerkules.
Ang 15-anyos Eala, na nakakuha ng main draw berth bilang junior exempt, ay makakaharap ang Switzerlands Simona Walter sa opening round ng 32- players na kalahok.
Ito ang ikatlong pagkakataon na sasabak si Eala sa W25 event matapos ang impresibong quarterfinals finish sa W25 Grenoble tournament sa France sa nakalipas na 3 Linggo.
Ang dati niyang performance ang nag angat sa kanyang Women’s Tennis Association (WTA) rankings na tumalon mula sa 903 to No. 763.
Walter na mas matanda kay Eala na 20 years old, ay pinatibay ang kasalukuyang ranking sa No. 284 at galing sa runner-up finish sa W25 Altenkirchen sa Germany two weeks ago.
Ang kanyang huling titulo ay galing sa second leg ng W 15 Manacor event nakaraang Enero.
Puntirya ni Eala ang kanyang ikalawang pro title matapos ang tagumpay sa first leg ng parehong W 15 Manacor tournament .

Leave A Reply

Your email address will not be published.