Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad tulak ng marijuana sa Cagayan

0 215

Advertisers

SA kulungan ang bagsak ng isang barangay kagawad nang matimbog sa pagtutulak ng iligal na droga Miyerkoles ng umaga sa Solana, Cagayan.
Ayon kay Captain Samuel Lopez, hepe ng Solana Police, naaktuhan nila ang 33-anyos na barangay kagawad ng Maguirig nang kaniyang iabot ang isang sachet ng marijuana sa pulis na nangpanggap na buyer.
Nagkakahalaga ng P2,000 ang nakumpiskang marijuana sa kagawad, pero ibinenta niya lang ito sa halagang P500.
Narekober din sa kagawad ang kaniyang cellphone at walang plaka na motorsiklo na ginamit niya sa transaksyon.