Advertisers
NAKAPAGTALA ng 4,437 karagdagang kaso ng COVID-19 Department of Health (DOH) ngayong araw, Marso16.
Dahil dito, nasa 631,320 na ang kabuuang kaso o mga nagpopositibo sa sakit.
Mayroon namang 166 na bagong gumaling dahilan para maging 560,736 na ang recoveries.
Nakapagtala naman ng 11 lamang na bilang ng bagong pumanaw sanhi upang maging 12,848 na ang mga namamatay sa Covid-19.
Habang ang aktibong kaso naman ay nasa 57,736. Halos 96.6% naman ang mild at asymptomatic na kaso.
Kaugnay nito, nagpaalala ang DOH sa publiko na ang physical distancing ay hindi sapat kung nagkukulang sa isang metro.
Dapat panatilihin ang wastong safety health protocol upang sa gayun ay makaiwas sa anumang variant o mutation ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)