Advertisers

Advertisers

Marami raw kasing nasa paligid… Ellen napilitan lang mag-‘yes’ sa marriage proposal ni Derek

0 314

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

KAMAKAILAN ay nag-post si Ellen Adarna sa kanyang Instagram account na sinabi nito na game over nadahil nag-propose na si Derek Ramsay sa kanya. Ibig sabihin, engaged na sila.

Ang relasyon ng dalawa ay kontrobersyal dahil kahihiwalay lamang ni Derek kay Andrea Torres.



Hindi naman pinalampas ng mga basher ang engagement ng dalawa.Ayon sa isang netizen, ang bilis umano masyado ng kanilang engagement. Pagkuwestiyon naman ng isa, bakit daw masyadong hina-hype ang relasyon nina Derek at Ellen.

Sinabi naman ng isang netizen na napilitan lang sumagot ng ‘yes’ si Ellen dahil may mga tao na nasa sa proposal, at hindi umano ito magpapakasal.



Pinaalala naman ng isa pa ang pag-abandona umano ni Derek sa kanyang unang asawa at anak. Ang mga bashers talaga, sadyang malilikot ang mga utak.

***



PUMANAW noong Marso 30 ang OPM Icon na si Claire dela Fuente sa edad na 63. Ayon sa kanyang mga mahal sa buhay, cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng Jukebox Queen.

Ikinuwento ng kanyang anak na si Gigo na naospital ang kanyang ina dahil nagpositibo sa COVID-19. Nagpaabot naman ng pakikiramay si Sharon Dacera, ang nanay ng nasawing flight attendant na si Christine Dacera.

Aniya, nakikiramay ito at ramdam niya ang mawalan ng mahal sa buhay.

Ang anak ni Claire na si Gregorio Angelo de Guzman o Gigo ay idinadawit sa kaso ni Christine.