Advertisers

Advertisers

Walang ayuda

0 989

Advertisers

ISA itong bagay na marapat bigyan ng pansin ni Isko Moreno, alkalde ng Maynila. Hindi nakatanggap ng ayuda ang mga nasasakupan ng Barangay 694, Zone 75 sa distrito na Paco. Dahil sa kapabayaan ng kanilang barangay chairman, isang Margret Reyna, walang dumating na ayuda sa mga mamamayan. Nagsisisihan si Reyna at Consuelo Palo, hepe ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Paco Branch, kung sino ang may pananagutan.

Ayon kay Palo, pinaalalahanan si Reyna na magsumite ng sulat sa takdang oras na humihiling ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) na pinangangasiwaan ng DSWD. Sinunod ito ng mga ibang barangay maliban sa barangay ni Reyna. Hindi nagsumite ng liham si Reyna. Hindi nabigyan ng SAP form ang kanyang barangay. Isinasaad sa SAP form ang pangangailangan ng barangay.

Hindi maintindihan ng kanyang nasasakupan kung paano nakaligtaan ni Reyna ang sundin ang ipinag-uutos ng DSWD. Sa isang panayam sa kanya ng telebisyon, inakusahan niya ang DSWD na nagpabaya sa pag-alalay sa kanya. Tanong: Bakit nakatangggap ng ayuda ang mga ibang barangay sa kanilang distrito, samantalang wala ang kanyang barangay? Mukhang mahirap ipaliwanag iyan Madame Chairwoman? Mukhang hindi siya nakikinig sa mga itinatadhana ng DSWD sa ayuda. Yorme, tulungan mo ang Barangay 94 sa Paco.



***

ISA kami sa naniniwala na si Bise Presidente Leni Robredo ang pinakamalakas na kandidato ng oposisyon sa 2022. Naniwala kami na kung tatakbo ang Bise Presidente, pinakamalakas niyang katambal si dating Senador Sonny Trillanes. Leni-Sonny ang kombinasyon. May mga tumututol sa kombinasyon at lehitimo ang dahilan kung bakit ayaw nila. Pareho silang galing sa Kabikulan. May paliwanag ang aming kaibigan Rodolfo Hilado Divinagracia:

“Marami ang nagsabi na ayaw nila kay Trillanes na maging VP ni Leni kasi pareho daw sila taga Bicol. Paano lumaki si Trillanes sa Caloocan at ang asawa niya na si Arlene ay taga General Santos City sa Mindanao. Pareho ba silang taga Bicol?

“Kung malawak ang pag-iisip ng ilang supporter ng opposition, hindi nila dapat [ikatwiran] ang isyu ng regionalism. Iba kasi ang regionalism sa parochialism. Regionalistic ka kung ang iniisip mo ay ang kagandahan at kagitingan lang ng iyong pinanggalingan. Pero parochial ka kung ang pag-iisip mo umiikot lang sa lugar na iyong kinagisnan.

“Sa panahon ng socmed dapat hindi na tayo parochial. Hindi dapat regionalistic. Kasi kada pindot mo ng like at share, buong mundo ang inaabot mo. Noong panahon ni Enrique na alipin ni Magellan ang regionalistic at parochial na pag iisip. Simula kay Quezon hanggang kay GMA ginagamit ang geographical origin ng kandidato para mas malawak ang abot ng impormasyon at impluwensya ng kandidato. Sa ganun malakas ang tsansa na maihalal. Ngunit kay PNOY ginamit ang impluwensya sa internet. Sa kanyang press office may humahawak sa socmed.

“Ang pagamit ng socmed mas pinalawak ni Duterte. Ginastusan at ginamit ang troll para linlangin ang mga botante. Kaya nasa puwesto siya ngayon. Patuloy na ginamit ang trolls sa pamamagitan ng socmed para maging mabango sa tao. Kaya wala nang halaga ang regionalism ngayun. Mas lalong walang lugar ang parochialism sa panahon ng teknolohiya.



“Si Trillanes ay magiting na lider at malinis ang record. Karapatdapat siya maging VP ni Leni para sa 2022. Iyan ay kung tatakbo si Leni sa pagka-pangulo.”

***

MALINAW sa salita ni Rodrigo Duterte na walang maaasahan sa kanyang gobyerno. Walang pambili ng mga pangangailangan upang masugpo ang pandemya. Walang sapat na bakuna. Walang sapat na panustos sa mga pagamutan na pawang nangapuno sa lumolobong bilang ng mga nagkakasakit. Halos hindi matugunan ang pandemya sa biglang sigwa.

Hindi krisis sa pandemya ang humaharap sa Filipinas. Kasama ang krisis ng pangangamkam ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Pinakamabigat ang krisis sa kumpiyansa. Nawawala ang tiwala sa sarili bilang isang nasyon na harapin ang kinabukasan. Nakakapagod sa maikling salita. Huling tanong: Kaya pa ba?

Kahit paano, nababawasan ang matinding alinlangan kapag nakikita ang diwa ng bayanihan sa maraming kababayan. Tulong-tulong. Sama-sama. Huwag pansinin ang gobyerno dahil walang maasahan. Nakita ito ng biglang nagsulputan ang community pantry sa mga barangay. Ito ang maituturing na kusina ng bayan. Tapayan, sa salin ng isang malikhaing netizen.

Simple ang alituntunin sa community pantry. Kung may kakayahan, mag-ambag para sa kapwa. Kung may pangangailangan, maaaring kumuha. Ngunit huwag kumuha ng labis-labis sapagkat hindi ikaw lang may pangangailangan. Ibatay ang kukunin sa pangangailangan. Hindi maaaring ibenta sa ibang tao ang mga kukunin.

Itinayo ang community pantry sa iba’t-ibang lugar. Nag-umpisa sa Maguinhawa sa Teachers’ Village. Mayroon ngayon sa Maynila, Paranaque at Las Pinas. Biglang kumalat ang konsepto. Kanya-kanyang dala ang mga tumutulong – gulay, de-lata, karne, at kung ano-ano pa. May nangangasiwa upang maayos ang pila. Hindi kumukuha ng labis ang nangangailangan.

***

BATIKOS ito ng isang kaibigang netizen kay Harry Roque na naliligaw ng landas:

“Actually, it was a sad but late realization for Harry Roque. After two decades of being a public interest lawyer, which included human rights issues as his main area of interest, Harry Roque had come to realize what he perceived as futility of continuing this role.

“Harry Roque was not winning cases; he was not earning much either. So he had shifted gears. But he has taken the reverse gear. In brief, he has gone to what is condescendingly called “human wrong.” Harry Roque has jettisoned what he had embraced for many years of his official existence on this planet. It was a 180-degree turnaround.

“Harry Roque has failed to understand that human rights lawyers are no different from priests. There’s no money in human right lawyering. It only offers a sense of fulfillment for lawyers, who stubbornly indulge in it. They even have to take the vow of poverty.

“Harry Roque has failed to understand that public interest lawyers are meant to assume the role of human rights specialist because very few lawyers could do it, or are willing to do it. The painful truth is Harry Roque has become the exact opposite.

“As a human wrong lawyer, Harry Roque has prostituted himself for the cause – or curse – of authoritarianism. Like Dr. Faust, Harry Roque has entered into a pact with the devil, exchanging his soul for a life of fame, wealth, pleasure, and glory. One of these days, the devil would take his soul as part of the Faustian deal.”

***

Email:[email protected]