Advertisers

Advertisers

Kris pinalitan na ni Alex bilang endorser sa e-commerce platform; Billy niresbakan ang bashers sa b-day celeb sa game shows

0 287

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

TAKANG-naman ang mga netizen kung bakit ang ini-endorso ni Kris Aquino na e-commerce platform ay iba na ngayon ang nakikita.

Napansin na si Alex Gonzaga na ang bagong endorser ng nasabing e-commerce platform.



Ayon sa grupo ni Alex, pang-millenial daw ang kanyang peg sa pag-endorse nito sa nasabing e-commerce platform.

Kumbaga, masang-masa ang gustong iparating ni Alex.



May mga bulung-bulungan naman kasi na tila naghahanap daw ng mga branded si Kris tulad ng Chanel.

Eh knows naman ng netizens na hindi naman ganun ka-high end ang ibinebenta ng nasabing e-commerce platform at mga imitation lang.



Oh, baka depende sa pinirmahan na kontrata ni Kris kumpara kay Alex.

Pero nagtataka talaga ang netizens na tila ang bilis namang nawala ang pag-eendorso ni Kris ng nasabing e-commerce platform at napalitan na ba kaya siya ni Alex?

Samantala, nasa Pampamga ngayon si Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

***

SA ika-39th birthday ni Billy Crawford na ginanap mismo sa kanyang game show sa TV5 na The Wall Philippines, ang esmi na si Coleen Garcia at Rea Atayde naman ang mga players sa nasabing game show.

Pero bago pa man naglaro ang dalawa ay pinapanood muna kay Billy ang mga pagbati sa kanya ng mga kaibigan.

Maluha-luha si Billy lalo nang magbigay ng mensahe ang kanyang pastor na kaibigan sa kanyang kaarawan.

After nga ng mga greetings eh talaga naman binira ni Billy ang bashers na nagsasabi na hindi siya deserving na maging ama kay Amari.

Wala daw alam ang bashers sa tunay na kaganapan sa buhay ni Billy at wala itong knows kung gaano nito pinagsusumikapan na maging good provider at ama sa anak.

Kaya nga nang mawalan ng work at na-timing na pandemya ay naghanap agad ito ng pagkakakitaan.

Kaya naman nitong gumawa ng paraan para lumundag sa kabilang himpilan para may pagkakitaan para sa pamilya.

Paano raw masasabi na hindi deserving si Billy kay Amari.

Be sensitive nga raw at huwag basta magsasalita na lang ang mga bashers dahil wala nga raw silang alam sa buhay ni Billy.

Well, well, well…’Yun na!