Advertisers

Advertisers

P983M 2021 annual budget ng Calapan, pirmado na ni Mayor Panaligan

0 554

Advertisers

IPINASA na ng Sangguniang Panlungsod ang ‘Fiscal Year 2021 General Fund Annual Budget’ na agad naman nilagdaan ni Mayor Arnan C. Panaligan. Ayon kay Mayor Arnan, “ang taunang pondo na inilaan para sa taong 2021 ng lungsod ay nagkakahalaga ng P983,790,525.80 kung saan binigyan diin dito ang mga programa para sa agrikultura at kabuhayan, imprastraktura, kalusugan, edukasyon, pabahay at serbisyong panlipunan kasama ang mga programa sa pangangalaga ng kalikasan at kaligtasan ng mamamayan.” Dagdag pa dito, layunin aniya ng nasabing pondo ay upang agad maisagawa ang pagsulong ng ekonomiya ng lungsod at para makabawi sa mahabang panahon ng naranasang quarantine dulot ng pandemya. Samantala, inilahad din ni Panaligan na ang ilalaang pondo para sa susunod na taon ay mga programang prayoridad pang-imprastraktura na siyang magpapalakas ng lokal na ekonomiya gayundin ang paglikha ng maraming trabaho para sa mga Calapeño

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa [email protected].



Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00nn sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:00am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria at 10:00am-11:00am – 3:00pm sa DWXR 101.7FM – Mapapanood livestreaming via Facebook at Youtube!