Advertisers
INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force ang pagbubukas ng mga gym sa National Capital Region Plus.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bukod sa mga gym, pinapayagan na rin ang operasyon ng fitness studios, skating rinks, at racket sports.
Kinakailangan aniya na mayroong Safety Seal Certifications ang mga gym at fitness studios.
Pero ayon kay Roque, nasa 30 percent lamang ang venue capacity ng mga ito.
Gayundin ay pinayagan na ng IATF ang pagbubukas ng mga historical sites at museums sa NCR Plus.
Ayon kay Roque, kinakailangan lamang na sumunod sa mga health at safety protocols na itinakda ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Kinakailangan din aniya na aprubado ng local government units ang pagbubukas ng mga museums at historical sites.
Ayon kay Roque, 20% na venue capacity lamang ang pinapayagan ng IATF.
“Also allowed to open are historical sites and museums in the NCR Plus areas at 20% venue capacity following health and safety protocols and the approval of the local government unit where these sites may be situated,” pahayag ni Roque.
Ipinagbabawal naman ang guided tours sa mga historical sites at museums.
Kasama sa NCR Plus ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan. (Vanz Fernandez)