Advertisers
ARESTADO ang isang call center agent na nakuhanan ng P2.3 milyong halaga ng iligal na droga sa Nueva Ecija.
Ayon kay Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), ang mga naaresto ay sina Sheryl Santos, 43, residente ng Barangay Hulo, Sto. Mingo.
Sa report, nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Cabanatuan City Police Station at Sto. Domingo Municipal Police Station ang suspek sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Barangay Aduas Norte.
Nasamsam mula sa suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng shabu, 11 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman rin ng iligal na droga na may bigat na 345 gramo.
Sa report, aabot sa P2.346 milyon ang street value ng nasamsam na mga droga.