Advertisers
Ni JOVI LLOZA
TOTALLY vaccinated na si Kim Chiu na dalawang beses nang naturukan ng bakuna laban sa Covid-19.
Last year kasi ay grabe ang takot ng TV host- actress sa killer virus.
As in, ibayong pag-iingat ang ginagawa nito at todo work out ang pinaggagawa.
Gusto ni Kim na palakasin ang kanyang lungs kaya naman itinodo na nito ang work out last year hanggang ngayon.
Sa post nito sa kanyang IG ay ipinagmalaki nito na dalawang beses na itong nabakunahan.
Kaya naman masasabi na protektado na ang gf ni Xian Lim sa nakamamatay na virus.
Pero pinagtapat nito na ang ginawang vaccination sa kanya ay mayroon daw side effect.
Ikinaloka ng kanyang followers ang side effect kay Kim ng bakuna.
Sa pag-amin ng dalaga sa kanyang IG ay tumakaw daw siya sa pagkain na kaya nito ang 5-6 meals na dapat ay 2 lang a day.
***
Yorme Isko type makasama sa projects sina Bea at Anne
TRUE na talagang nami-miss na ni Yorme Isko Moreno ang showbiz kung saan siya unang galing bago pasukin ang pulitika.
Sa biopic ni Andres Bonifacio, si Isko nang napipisil na gumanap sa nasabing bayani.
Kahit matagal na sa showbiz si Yorme Isko ay mayroon pa rin naman itong gustong maging leading lady sa makabagong henerasyon.
Ang dalawang aktres na tinutukoy ni Isko na gusto nitong makasama sa projects ay sina Anne Curtis at Bea Alonzo.
Puwede naman daw ayon sa netizens dahil bakas pa rin ang gandang lalaki ni Yorme na ubra na ipareha sa dalawang aktres.
Well, well, well…’Yun na!