Advertisers

Advertisers

12 pang local cases ng ‘Delta variant’ ng COVID-19 natukoy sa bansa

Patay na naman tayo dito!

0 489

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na may 12 pang bagong local cases ng Delta variant (B.1.617.2) ng COVID-19 ang natukoy nila sa bansa.

Sa pinakahuling whole genome sequencing na inilabas ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) nitong Miyerkules, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ay umaabot na ngayon ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa sa 47, mula sa dating 35 lamang.

Nabatid na ang anim sa bagong kaso ng Delta variant ay mula sa Region III, dalawa ang mula sa CALABARZON, isa ang mula sa Region V at tatlo naman ang mula sa National Capital Region (NCR).



Ayon sa DOH, ang mga ito ay pawang local cases o walang travel history at pawang nakarekober na mula sa sakit.

Samantala, iniulat din ng DOH na nakapagtala rin sila ng 187 pasyente na infected naman ng Alpha (B.1.1.7) variant cases, 142 na dinapuan ng Beta (B.1.351) variant cases, at 12 kaso ng P.3 variants.

Kaugnay nito, patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na maging vigilante at mag-ingat upang makaiwas na mahawahan ng COVID-19.

Paalala pa ng DOH, kahit bakunado na ay patuloy na sumunod sa minimum public health standards na pinakamabisa pa ring paraan ng pag-iwas sa virus.

Dapat din iwasan ang mga pagtitipon na maaaring maging superspreader events ng COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">