Advertisers

Advertisers

Dahil sa ‘Delta variant’… MAS MAHIGPIT NA RESTRICTIONS IPATUTUPAD!

0 89

Advertisers

MALAKI ang posibilidad na maipatupad na ang mas mahigpit na restrictions sa bansa dahil sa Delta variant.

Ayon kay presidential spokesperson Atty. Harry Roque, napatunayan na kasi aniya ng siyensya na talagang nakahahawa at nakamamatay ang Delta variant.

Kaya nga sinabi ani Roque ni Pangulong Rodrigo Duterte, mukhang sigurado na ang muling pagpapatupad ng ilang mga paghihigpit, partikular na sa mga lugar na may naitalang kaso ng Delta variant.

Kaugnay nito, nagpulong na, ayon sa kalihim ang mga eksperto ng bansa kasama ang mga pediatrician at iba pang mga dalubhasa.

Kung saan ani Roque, nagkaroon na aniya sila ng rekomendasyon tungkol sa pagpapalabas ng mga kabataan mula edad 5 pataas hanggang 17 at nakatakda na aniya nila itong ipresenta sa IATF sa lalong madaling panahon. (Vanz Fernandez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More