Advertisers

Advertisers

LEO NIGHTS

0 1,258

Advertisers

Ni ATTY. NICK NANGIT

NITONG Lunes lamang ay nakuha ng ating bansa ang kauna-unahang GINTO sa Olympics na itinanghal sa Tokyo, Japan.

Ito ay sa pamamagitan ng atletang Pinoy na si Hidilyn Diaz. Nanalo siya sa Women’s Weightlifting event 55 kg. Sa pagbuhat ng 127 kg., nagtala pa siya ng bagong Olympic record. Kasama sa kanyang tagumpay ang coach niyang si Kaiwen Gao, ang assistant coach/jowa niyang si Julius Naranjo, ang nutritionist na si Jeaneth Aro, at ang sports psychologist na si Dr. Karen Trinidad.



Halos nagpantay sila ng atletang galing Tsina sa bahaging Snatch, subali’t lumamang siya ng isang punto sa bahaging Clean & Jerk.

Di maikakaila na nagbunyi ang buong bansa. Sa loob ba naman ng higit 90 taon simula nang naitayo ang Olympics, ngayon pa lang natin nakamit ang GINTO sa larong pang-kompetisyon at hindi pang-ekshibisyon lamang. Alam din natin ang pinagdaanang hirap at pagkutya dati kay Hidilyn, dahil sa mga isyu tungkol sa kanyang pag-eensayo, subali’t lahat ito ay nasolusyonan naman ng pamahalaan. Siya mismo ay nagpapasalamat na hindi siya pinabayaan nito, kabilang na ang suporta ng pribadong sektor.



Talagang para sa kanya ang nasabing karangalan.

Nasa zodiac sign tayo ngayon ng Leo. Dala nito ang sikat ng araw at tapang ng leon. Ayon sa mga bituin, si Hidilyn ay ipinanganak sa cusp ng Aquarius at Pisces, sa Taon ng Metal na Kabayo.



Bilang Aquarius, naka-focus siya sa kanyang layunin. Yan ay ang makuha ang ginto, kahit ano pang balakid. Ganyan kasi ang katangian ng Aquarius na kasundo ng lumalagablab na apoy ng Leo. Kakayanin nitong kalimutan ang mga problema, dahil isip ang ipinaiiral. Dahil nga nasa panahon na tayo ng elemento ng hangin, madali niyang nasakyan ang lakas nito.

Nakatulong din sa kanya ang pagyapos niya sa nangingimbabaw na isdang simbolo ng Pisces. Sa panahon ng paurong na Neptuno, naharap siya sa katotohanang kailangan niyang tumutok sa layunin at huwag panghinaan ng kalooban. Ang Pisces na hindi sumusuko sa emosyon at bisyo ay nagwawagi.

Ang Metal naman ay kasundo ng kapwa Metal ngayong Taon ng Baka. Magkaibigan kahit paano ang Kabayo at Baka. Tiyaga ang katangian nila, kaya may nilaga. Yun nga lang, sa pagdating ng kaperahan na sinisimbolo ng Metal, pati ng iba’t ibang pabuya at gantimpala na inihahandog ng mga pribadong kumpanya, dapat ay ayusin din niya ang mga ito at huwag lulustayin.

Sa likod ng kanyang tagumpay, bumungad din ang malungkot na balita na ang dating kilalang aktor na si Orestes Ojeda (na Luis Pagalilauan sa totoong buhay) ay pumanaw na sa gulang na 68, dahil sa pancreatic cancer. Ipinanganak siya sa Taon ng Tupa na kasalungat ng Taon ng Baka. Ang kawalan sa kanya ay ang kanyang buhay mismo. Siya ang pangmatagalang epekto ng eclipse na naganap nitong Hunyo 10 sa konstelasyong Gemini na kumubli sa Araw na simbolo naman ng Leo.

Tinalikuran na ni Orestes ang mundo ng aliwan kung saan siya sumikat, gaya ng di matawarang Scorpio Nights, at pinasok ang larangan ng sining at pagpipinta. Tahimik at mabait si Orestes. Masiyahin sa totoong buhay, naipalalaganap niya ang ganda ng ating kultura sa mga kwadra at pintura ng iba’t ibang museo. Nakikiramay po kami.

Sila ang dalawang mukha ng Leo Nights.

Para sa iba pang dagdag kaalaman, mag Subscribe at Watch lang sa Nickstradamus channel ng YouTube, lalo na ang LIVE tuwing Biyernes 11pm Philippine Standard Time. Saksihan ngayong Hulyo 2 ang Channeling o Paglakbay natin sa ibang dimensyon, para sa mensahe ng mga yumao na. Huwag ito palagpasin.

At para naman sa mga katanungang saykismo, gaya ng Orakulo gamit ang tarot cards, o mga made-to-order crystals, makipag-ugnayan lang sa sulatronikong nickstradamus2018@gmail.com.

Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!