Advertisers
NASA P3 milyon at isang fully furnished na house and lot sa Zamboanga City ang ibinigay na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Sa kanilang virtual conference nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Duterte na ang P3 milyon ay mula sa Office of the President (OP) bukod pa sa P10 milyong makukuha ni Diaz mula sa gobyerno.
Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na ang nakamit ni Diaz sa Tokyo Olympics ay isang tagumpay ng Pilipinas.
Gayundin ay ginawaran din ng pangulo si Diaz ng Presidential medal of merit dahil sa kanyang inuwing karangalan sa bansa. (Vanz Fernandez)