Advertisers

Advertisers

Covid update: 8,167 bagong kaso; 9,095 gumaling; 77 nasawi

0 371

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 8,167 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Agosto 2.

Samantala ay mayroon namang naitalang 9,095 na gumaling at 77 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (62,615) ang aktibong kaso, 94.4% (1,515,054) na ang gumaling, at 1.75% (28,093) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, isang laboratoryo ang hindi operational noong July 31, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).



Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">