Advertisers

Advertisers

NBI kumikilos na vs mga nagpapakalat ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ sa socmed

0 271

Advertisers

NAGBABALA si MMDA chairman Benhur Abalos sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media na hindi makakatanggap ng ayuda ang mga hindi pa nagpapabakuna kontra COVID-19.

Tiniyak ni Abalos na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nanggugulo lang sa harap ng pagsisikap ng gobyerno na makatulong sa mga residenteng apektado ng pandemya.

Nitong Huwebes ng madaling araw, nagdagsa ang maraming residente ng Maynila sa iba’t ibang vaccination sites ng lungsod para humabol sa pagpapabakuna bago ang magsimula ang ECQ sa National Capital Region bukas, Agosto 6, hanggang sa ika-20 ng buwan.



Kaya naman alas-3:00 pa lang ng umaga ay naabot na ang 2,500 cut off sa mga vaccination sites na dinagsa ng maraming tao, dahilan para itigil na ang pagtanggap ng walk-in vaccinees.

Sa pagtaya ng Manila Police, aabot ng hanggang 5,000 ang taong pinauwi nitong Huwebes. (Josephine Patricio)