Advertisers
MAY ilang panahon na ring nagkakaloob ng ayuda ang nasyunal at lokal na pamahalaan tuwing mga ganitong may paghihigpit sa quarantine status gaya nga ng umiiral na ECQ sa buong Metro Manila at ilang karatig lalawigan.
Pero magpahanggang ngayon, may ilan pa ring idinadagdag at ibinabawas sa listahan ng makakatanggap ng tulong.
Di ma-perfect ang listahan samantalang makailang beses nang nagkaloob ng pinansiyal na ayuda ang gobyerno.
Bakit nga di mapakali ang listahan ng pagkakalooban ng ayuda?
Sa tuwing may ayuda or shall we say “PA-CONSUELO DE BOBO sa tao,parating binabago ang punyetang listahan.
Di magkasundo ang DSWD,LGUs at mga barangay sa talaan ng mga dapat makatanggap ng tulong.
Ang madalas tuloy nabubuntunan ng sisi at ngitngit ng taongbayan ay ang mga kaawa-awang barangay officials.
Ang siste,tila nasa lokal na pamahalaan at sa CSWD ang problema.
Bumababa naman sa kanilang mga constituents ang mga opisyal ng barangay upang alamin kung sinu- sino nga sa kanilang mga kalugar ang karapat-dapat o prayoridad napagkalooban ng ayuda.
Ang mga barangay officials na ito ang mas nakakaalam ng tunay na kaganapan sa kanilang nasasakupan.
Ang siste,makaraang isumite ng ng mga barangay ang listahan sa LGUs at City Social Welfare Department (CSWD),nababago ito at may naidadagdag at nababawas na mga pangalan sa talaan.
Bakit ganito ang umiiral na sistema?
Sino nga bang Pontio Pilato ang nagdidikta para baguhin ang listahan na isinumite ng mga barangay?
Si mayor nga ba?
Napupulitika nga ba ang mismong pagbibigay ng mga ayuda?
Kaya di maiwasang marami sa ating mahihirap na kababayan ang nadidismaya at sinisisi pa ang gobyerno sa halip na magpasalamat.
Yaong mga karapat-dapat makatanggap ng kakarampot na tulong ang sila pang naiitsa-puwera.
What the fuck!
Nakikita natin na ang kapabayaan ay mula sa LGUs at sa CSWD dahil na rin sa pamumulitika at minsan ay sa katamaran na rin ng mga staff.
Hindi na nag-eeffort pa ang mga tauhan ng CSWD para iberipika “on the grounds” ang listahan na isinumite ng mga barangay units.
Umaasa na lamang ito sa Facebook o sa mga luma o pasong mga listahan ng mga recipients.
May ilang reklamo rin na di nabibigyan ng ayuda ang mga taong wala sa kanilang mga tahanan o di kayang pumunta ng personal para kunin ang kanilang pinansiyal na ayuda.
Kahit pa nga may “authorization” na o may valid reason gaya ng nasa ospital or bedridden na sa bahay.
Anak talaga ng kagaw!
Walang sentido kumon ang mga ganitong tao or, mga walang puso!
Bakit napakaraming kaletsehang pinapairal sa kakarampot na pa-consuelo de bobong ipinagkakaloob?
Mga buwisit kayo!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com