Advertisers

Advertisers

Covid update: 14,610 bagong kaso; 10,674 gumaling; 27 nasawi

0 431

Advertisers

NAKAPAGTALA muli ang Department of Health (DOH) ng 14,610 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Agosto 16.

Samantala ay mayroon namang naitalang 10,674 na gumaling at 27 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.1% (106,672) ang aktibong kaso, 92.2% (1,618,808) na ang gumaling, at 1.73% (30,366) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 14, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 1.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">