Advertisers

Advertisers

Covid update: 17,231 bagong kaso; 5,595 gumaling; 317 patay

0 244

Advertisers

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang record high na 17,231 bagong kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Agosto 20.

Sa DOH case bulletin no. 524 umabot na sa kabuuang 1,807,800 ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Nabatid na ang naturang bilang ang pinakamataas na kaso na naitala mula noong Abril 2, 2021 na umabot sa 15,310 at noong Agosto 20 na umabot sa 14,895.



May naitala rin naman na 5,595 na gumaling at 317 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.8% (123,251) ang aktibong kaso, 91.5% (1,653,351) na ang gumaling, at 1.73% (31,198) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 18, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.03% sa lahat ng samples na naitest at 0.08% sa lahat ng positibong mga indibidwal.



Ayon sa DOH sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ng DOH na ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging paggsasagawa ng PDITR strategies, at pagpapabakuna ay nananatiling pinakamabisang depensa sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)