Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PAHINGA muna sa ere ang The World Between Us pero hindi pahinga ang blessings kay Jasmine Curtis-Smith dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nominado siya bilang Best Actress sa Gawad Urian para sa pelikulang Alter Me.
Ano ang masasabi ng aktres tungkol dito?
“Salamat po sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino!
“I am always very honored and grateful to be recognized by your prestigious committee for my roles and to be among the best actresses of this industry,” reaksyon ni Jasmine.
Abangan natin si Lia o si Jasmine sa November 15 sa pagbabalik ng The World Between Us pagkatapos ng kanilang season break.
At dahil dalawang buwan ang season break ng The World Between Us, magpapaka-“Tita” muna si Jasmine.
“Actually, pag naka-break po ako and walang trabaho, ang kinakabisihan ko is really my niece, I spend a lot of time babysitting para sa Ate ko.”
Ang tinutukoy ni Jasmine ay ang anak ng ate niyang si Anne Curtis at mister ni Anne na si Erwann Heussaff, si Dahlia Amelie na one year and five months old ngayon.
“So actually dun ako galing kaninang umaga tapos umuwi lang ako para magtanghalian tsaka nag-prepare for this afternoon’s interviews, so pag walang work I make the most out of spending time with her and my sister.”
Pagpapatuloy pa ni Jasmine…
“Kasi ano rin po e, nung ECQ I was alone, so hindi ko rin mabisita yung dad ko na senior na, so ang dami pong times na parang gustuhin mo man, wala e.
“Tulad ng sabi ni Tom, pagdating sa wedding celebration nila, gustuhin man niya, parang mag-aalangan ka pa rin, not because of end of the restrictions pero pati na rin mismo yung health nila, yung kasiguraduhan na hindi sila ma-e-expose to anyone along the way.
“So yun, I make the most out of time with family or exercise, taking care of myself, kasi yun na lang talaga ang puwede nating gawin honestly, and wala namang puwedeng tambayan sa labas, bawal din tumambay sa labas so huwag kayong lalabas.”
Ang tinutukoy ni Jasmine ay ang kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa October 23 sa Tagaytay; dahil sa pandemya, walang kasiguruhan kung makakauwi sa Pilipinas ang pamilya ni Tom mula sa Amerika para makadalo sa kasal.
***
CASSY ‘DI KERING MAGPAIGSI NG BUHOK
PAGKATAPOS ng highly-successful na First Yaya na gumanap siya bilang si Nina, bagong milestone sa career ni Cassy Legaspi na mapili bilang bagong Palmolive Girl.
Kaya tinanong namin si Cassy kung ano ang feeling na ang mga dating produkto na ang mommy niya na si Carmina Villarroel ang kinukuhang endorser, ngayon ay siya na, hudyat na isa na nga siyang ganap na dalaga.
“Well, I’m really, proud ako sa sarili ko because… I’m not really trying to follow my mom’s footsteps pero if I do… Wow, grabe,” sabay-tapik ni Cassy sa kanyang balikat. “Ang ganda, ang ganda. Galing, galing!
“I’d really get proud of myself, but parang I don’t wanna say na parang pressured ako but I guess it’s more on excited ako sa future projects and all of that, or yung journey ko, where I will go.
“So I’m more excited… and proud,” nakangiti pang pahayag ni Cassy sa ginanap na mediacon via Zoom para sa kanya nitong Martes, August 3.
At dahil proukto para sa buhok ang bago niyang ineendorso, tinanong namin si Cassy kung kaya ba niyang mag-eksperimento pagdating sa kanyang mahabang buhok.
Kaya ba niyang magpagupit ng maigsi na tulad ng ginawa ng mommy niya noong dalaga pa si Carmina.
Dito namin napag-alaman na hindi kaya ni Cassy na magpaigsi ng buhok!
“Parang ayoko po,” sabay hawak ni Cassy sa kanyang buhok habang natatawa. “Gusto ko pong palaging mahaba.”
Siguro raw ay kakayanin niya na magpagupit ng hanggang balikat, pinakamaigsi na niyang kakayanin sa buhok niya.
“Siguro pag may role na short [hair] pero hanggang dito lang,” sabay muwestra niya sa kanyang balikat.
“Hindi ko kaya e, mahal ko talaga yung buhok ko,” at muling tumawa ang Kapuso female youngstar.
Sa buong buhay raw niya ay hanggang balikat lamang ang nasubukan niyang pinakamaigsing hairstyle.
Samantala, inaabangan na ng publiko ang First Wife na kasunod na kuwento ng phenomenal hit GMA series na First Yaya nina Cassy, at Joaquin Domagoso, at siyempre ng mga bidang sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.