Advertisers

Advertisers

Gerald never magdo-donate ng sperm sa ‘di mahal

0 355

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA role nga lang daw niya sa Init Magdamag bilang si Tope àng pagdo-donate ng sperm ng ginampanan sa serye ni Gerald Anderson.

Pero kung sa true to life story ay never naman daw ipamimigay ni Gerald ang kanyang sperm.



Hanggang palabas lang daw nila ‘yun sa serye. Gusto nito na ibigay ang kanyang sperm para magkaanak sa mahal nito sa buhay na makakasama for life.

Pero ‘yung magdo-donate ito sa kanyang ex kung mangyayari in real life ay malabo raw na ipamigay ni Gerald ang kanyang katas.



Paulit-ulit na sinabi ng aktor na malabo na mangyari ito sa totoong buhay.  Sa taong mahal lang daw niya ipamimigay ito para sila ay bumuo ng masasabing pamilya.

After ng serye na Init Sa Magdamag ay may bagong project si Gerald na kukunan dito at sa ibang bansa.



Samantala, si Yam Concepcion na kanyang leading lady ay pahinga muna sa project at magbla-vlog na lang daw muna.

***

LJ ayaw nang makipagbalikan kay Paolo

LUMAYAS si LJ Reyes bitbit ang dalawang  anak na sina Aki at Summer.

One week na mahigit sina LJ sa mother nito na naka-based sa Tate.

Sa panayam sa aktres ay wala naman itong sagot sa isyung third party, nanakit ba or pera ang dahilan.

Gusto pa sana niyang mabuo ang pamilya pero naramdaman ni LJ na tila noong 2020 ay nadadalas na wala na sa bahay si Paolo Contis.

Hindi naman daw nito madalas na ginagawa dahil  homebody ito na nag-attempt na buuin pa pero tila hindi na puwede para sa kapakanan ng 2 anak dahil gusto ni LJ na masabi na buo silang pamilya.

Pero sa bibig pa nga ni Paolo nanggaling na ayaw na nito na sila ay magsama kaya naman ura-urada ay lumipad pa Tate si LJ kasama ang dalawang anak.

Wala pang linaw kung hanggang kailan sila sa Tate, sa piling ng parents ni LJ sila nakapisan na mag-iina.

Well, well, well…’Yun na!