Advertisers
ODIONGAN, ROMBLON – KUMAMBIYO ang kampo ni Bise Presidente Leni Robredo nang nakita nila na pumalpak ang kanilang pasabog na susuportahan ang tambalang Isko Moreno at Manny Pacquiao. Noong Miyerkoles, nagpahayag si Leni na hindi pag-endoso kay Isko ang kanyang unang pahayag noong Lunes. Kung hindi pag-endoso ang kanyang unang pahayag, ano ang tawag doon? Iyan ang hindi malinaw. Hilaw ang kanyang sinasabi.
Sa totoo, marami ang nagulantang sa kanyang unang pahayag. Hindi mahirap intindihin kung bakit siya naglabas ng ganoong pahayag. May binubuo silang bagong alyansa na tatampukan ni Isko bilang kandidato sa pampanguluhan. Walang problema sa bagong alyansa kung tanggap si Isko. Ngunit hindi siya katanggap-tanggap sa puwersang demokratiko. Oportunista ang tingin kay Isko. Para sa puwersang demokratiko, kasama ang oposisyon, walang gulugod upang tumayo sa mga pangunahing usapin ng bayan.
Napaso si Leni sa kanyang pahayag. Hindi akalain ng kanyang kampo na hindi tanggap ng puwersang demokratiko na maglayag sila na mag-isa sa pulitika at unahan ang desisyon ng 1Sambayan na kinikilala na koalisyon ng oposisyon. Hindi basta papayag ang pwersang oposisyon na biglang may susulpot na bagong alyansa na ang kandidato ay si Isko. Walang track record si Isko bilang oposisyon.
Maraming tanong nang sabihin niya na susuportahan niya ang tambalang Isko-Mane. Mas dumami ang tanong ng sabihin niya sa pahayag na hindi pag-endoso kay Isko ang kanyang unang pahayag. Lalong dumami nang ipagdiinan niya na maaari siyang tumakbo kung (ayan na naman ang salitang “kung”) hihingin ng bayan. Maraming ek-ek samantalang ang mga katunggali ay abala sa pagpahayag ng pagsabak sa halalang pampanguluhan sa 2022.
Hanggang ngayon nakabitin ang puwersang demokratiko sa desisyon ni Leni. Hindi katanggap-tanggap ibitin ni Leni ang lahat-lahat. Mistulang prima donna ang dating. Mistulang siya ang reyna ng timpalak. Iyan ang mahirap unawain. Mistulang guyabano si Leni. Matamis na may kahalong asim.
Alam ng madla na ayaw niya kay Sonny Trillanes. Ngunit sa tingin namin, ayaw ni Sonny Trillanes sa kanya. Lalaki si Sonny at sundalo. Hindi siya sanay sa mga taong urong-sulong ang desisyon, o hindi makapagdesisyon. Batay sa aming nakalap, nakahanda si Sonny Trillanes sa 2022. Isinalang ng Samahang Magdalo ang sariling makinarya dahil ilalaban nila si Sonny kahit na anong posisyon – presidente, bise presidente, o senador.
Bagaman itinutulak nila si Leni bilang pinakamalakas na kandidato ng oposisyon, nakahanda si Sonny Trillanes na kunin ang bandila ng oposisyon kung hindi tatakbo si Leni. Doon nakabatay ang kanilang paghahanda. Batid nila na walang sariling desisyon si Leni kaya inihanda ng kanilang samahan sa bakbabakan.
Maliit na organisasyon ang Samahang Magdalo. Ngunit hindi ito kapareho ng Lapiang Liberal na tuluyan nang naghihingalo. May sariling tao ang Magdalo at pawang nakatutok sa susunod na mangyayari. Maalab ang damdamin at magagaling ang mga kasaping sundalo at sibilyan hindi katulad ng Liberal Party na pawang nangawala sa eksena nang nagretiro sa pulitika si Mar Roxas at namatay si PNoy. Mistulang ulila ang Lapiang Liberal – si Leni at Kiko ang natira.
Nakakatawa ang sitwasyon ni Leni sapagkat habang abala ang mga kalaban sa pagpapahayag na tatakbo, hindi makapagdesisyon si Leni at nakabitin ang lahat. Paano na kung hindi tatakbo? Iyan ng tanong. Hindi puede na hindi siya tatakbo at isusubo si Isko. Hindi hilo ang puwersang demokratiko. Sa ganang amin, malaki ang problema ni Leni.
Wala siyang limpak-limpak na salapi na pantapat sa bilyon-bilyon pisong nakulimbat ng mga naghaharing uri. Hindi siya popondohan ng pamilya Roxas-Araneta na regular na tumatangkilik sa lapian. Lumayo na ang pamilyang iyan mula ng nagretiro si Mar Roxas sa pulitika. Walang tao ang Liberal Party. Kaya totoong bantulot siya na sumabak sa 2022.
***
SAMANTALA, itinaas na ang mga kamay ng tambalang tsimoy at amo – Rodrigo Duterte at Bong Go bilang mga kandidato ng PDP-Laban. Alas-onse sana ang political rally ng PDP-Laban sa Pampanga noong Miyerkoles, ngunit dahil sa sama ng panahon, nabalam ito ng pitong oras. Kataka-takang nawala ang ulan ng naitaas ang kamay ng tsimoy at amo sa wakas.
Hindi namin alam kung ano ang gagawin ni Sara Duterte, alkalde ng Davao City, na nangangarap na siya ang kandidato ng Grupong Davao. Mukhang tutuloy si Sara kahit ayaw ng ama. Buo ang loob na kalabanin ni Sara at marami siyang alam na baho ni Bong Go. Tingnan natin kung paano ang magsasabuyan ng putik ang tinawag ng aming kaibigan na si Dante Zamora na IDG – Inferior Davao Group.
Hindi malayo na dalawa ang kandidato ng Davao Group sa 2022. Hindi malayo na maglaslasan sila ng lalamunan na tulad ng sinasabi ng aming kaibigan na si Ba Ipe. Magiging katatawanan ang takbo ng ating halalan. Suportado ng pamilya Arroyo (GMA at Mike Arroyo) at ilang mangangalakal si Sara. Mayroon bilyon-bilyon piso si Bong Go kahit tumataas ang kanyang rating sa anumang survey. Interesting.
Hindi nalalayo ang tambalang Ping Lacson at Tito Sotto na nagdeklara ng pagsabak sa halalan. Ngunit mabilis na tinuligsa ang tambalan. Tampok sa batikos si Ping na ang tingin ng maraming netizen ay tumalikod sa kanyang pananagutan sa batas, tumakas pumunta sa hindi malaman, at nagtago sa kung saan. Hindi namin alam kung saan pupulutin ang tambalan, ngunit maganda pagmasdan ang muling pagtakbo ni Ping sa panguluhan. Hindi nananalo sa kasaysayan ng pulitika ang mga naunang talunan. Natalo siya noong 2004 at ewan kung makakabangon.
***
MAY isinulat ang aming kaibigan na si Roly Eclevia. Pakibasa:
DU30 has become a national embarrassment
Why do political leaders defy President Rodrigo Duterte? [it’s] because public sentiment has turned against him.
The people have lost their fear of him. They have come to realize that the police will no longer carry out murders on his orders and judges will no longer entertain trumped-up charges and perjured testimonies filed at his instance.
He is now seen for what he really is–corrupt and money-hungry, lazy and incompetent, inarticulate and dumb, immoral, ugly, ill- tempered, repulsive.
He has become a national embarrassment.
***
Email:bootsfra@yahoo.com