Advertisers
HINDI na tatakbo sa anumang national post sa 2022 elections si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Sara matapos na pormal na tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP Laban bilang Bise Presidente.
“I am not running for a national position as we both agreed only one of us will run for a national position in 2022,” ani Sara.
Hindi rin umano apektado ng pulitika ang relasyon nila bilang mag-ama.
Si Sen. Bong Go naman ang napiling pambato ng PDP Laban sa pagka-Presidente subalit tinanggihan into ang nominasyon at mas mabuting ialok muna umano ito sa ibang miyembro ng partido na nais tumakbo.
Magugunitang umapela si Sara sa kanyang ama at kay Go na huwag kaladkarin pa ang kanyang pangalan kung nais nilang tumakbo sa 2022 elections. (Jonah Mallari)